Tuesday, November 18, 2014

Unfinished Loveletter



Dear Tay,


We might not be together now, but someday we will.”

As I grow older in this chaotic world, I realized that living this world without you is really the hardest thing. Day by day, I often wished I could still hold you in my arms & hug you tight and let you know how much I love you. And if I could have to live my life all over again, I still choose you to be my father and would wish that I'll be born earlier so I can spend my life with you longer.

Each day I'm hoping that one morning when I wake up, you are here in front of me for real.
But I know, it's impossible to happen because you are there in the other part of the world---in Heaven.
Whenever I missed you that much, I just feel my heart with my hand knowing that you never left me- and that you are never forgotten- because its where you resides – forever.

In every birthdays & Christmas or whatever the special occasion may be, I could not feel the true happiness because you are not physically present. I envy those people who still have their parents with them and wished I still have mine. Life would have been better and happier if you are still here- but life as we all know just ends when death takes place.

And I can't breath without you...




I know I may not be your perfect daughter, nor the best child out of 9, but I am so sure that I am the most loving & sweetest out of your 4 girls (mother, 2 sisters and me) & the bravest out of your 6 boys.

I would always start my mornings with you, serving you with your favorite coffee. I remembered how your coffee would have made and that you hate some sugar. You wanted it black & strong and the taste should be very good. Most of all, it should be served hot. I would come to know which bread you would like to eat and which kind you hated the most. I should have be so keen in the sense of my smell to find out if the bread is new or not, just to make sure you won't loose your appetite.

We will have our coffee together in every morning that I'm with you...

but...I'm sorry, Tay...

The truth is: I really don't like how the coffee tastes, I just learned to love them because of you...



In every day, we would sit together and you will tell me all the stories you ever know. I'll just listen to you and feel so amused and happy. You kept telling me random stories that really amazed me. And you smiled whenever I come to know each story you tell.

And so, when I'm in school, I would come to our library and read books. I would have to read every books we have in our home. I would borrow magazines from my friends and neighbors to read a lot of different stories. So, the next day, I could tell you stories you never heard.
And when you smile, you gave me wings I thought I could ever fly.

But I'm sorry, Tay...

The truth is: I really got bored whenever I read some history books. But I just learned to read them because of you.

And in each afternoon when we sit down at the farm, you would sing a song for me and I would request to hear it over and over again. Your golden voice made me feel that I wish I could sing as best as you but I know I couldn't. I would always ask you who is “Carmelita” in your song and if she was ever once your woman.

I always wanted to sing with you...

but I'm sorry, Tay...

The truth is: I really can't carry a tune, but I chose to sing just because of you...”

Whenever I saw you dance with mother, I would always clap while staring at you both. I would smile and would always willing to learn how to ballroom dance. I've learned how to boogie, cha-cha, tango & waltz. And whenever you dance together, I would dance with you.

But I'm sorry, Tay...

The truth is: I am not really a fan of a ballroom dance, but I learned to dance them just because of you..

In every summer, we used going to the beach and have some fun- swimming. You are a great swimmer then, and I always love to swim. I learned to love the sand and the waves of the warmth water under the bright heat of the sun. I don't mind the sunburns & bruises. I'm just loving the sea water so I could see you smile when you know I'm not scared of drowning to the sea.

But I'm sorry, Tay...

The truth is: I really don't know how to swim, but I learned to love the water because of you...


Whenever I got to climb some mountains or get lost at the forest, I wouldn't have to cry & stop. You always wanted us to be brave, whenever, wherever. So everytime, I would get lost in a dark forest, I would never shout. And when I get home alone, you will smile because you think how brave am I. You even bragged my braveness to your friends.


But I'm sorry, Tay...


The truth is: I am really scared being alone in the dark, but I just face my fears just because of you...


When I have some asssignments of our drawings in school, you are the only one who would do it for me. I would really feel so glad that you draw almost everything for me. It made me happy that I got a highest score. And that's when I begin starting to draw on my own. When I draw some house, trees , clouds & sun, you will laugh at me. And each day, I would draw you random things about your favorite scene so you could smile.

But I'm sorry, Tay...

The truth is: I am not really good in drawings, but I learned to practice hard just because of you...


Whenever I saw you writing all your herbal medicines in your notebook, and all the herbal medicines you used to heal and treat people, I would always memorize it. Sometimes, I would secretly open your notes and begin to memorize each plants and its usage. So that whenever you have some patients to deal with, I would tell you what herbal medicines they need in order to get cured, and when you smile, I feel that I am the brightest child of the world...

But I'm sorry, Tay...

The truth is: I've find it hard and weird to memorize hundred of herbal medicines, but I learned to memorize them just because of you...

And each time you will leave to cure the patients in some distant places, I would go with you. I would let you know how brave I am even if I am too young. I've been your assistant nurse to all your dying patients and bravely staring at them knowing that they might die soon.

But I'm sorry, Tay...

The truth is: I am really scared whenever I see a dying patient...I almost die, but I need to be brave just because of you...




When we got some serious talk and you asked me what I wanted to be when I grow up, I told you that I wanted to be a doctor or a nurse, just like you. To heal people and to help people. And one day, when you get sick and mother, I will take care of you both.I will nurse you in order to get you well. When you grow old, I would be very sure that you will be taken care of at my very best.

But I'm sorry, Tay...

The truth is: I am scared of blood...and when I saw you puking of blood, I guess my heart stops beating...but I dreamed of that profession just because of you...



And each time you will always tell us you are dying and that you never wanted us to cry. You would always remind us that we should not cry when the person dies, instead we should show emotions to people who are alive and that who can still appreciate our actions. You told us that crying over to someone who are dead is pointless & useless because they can never hear it or feel it anymore.
You will repeatedly tell us that we will never cry when you die...

But I'm sorry, Tay...

The truth is: I can't help not to cry when you die...and it's all because of you...



I'm sorry, Tay...

The truth about your favorite little girl is that:

I am scared being alone.
I can cry a lot.
I am not perfect.
I have so many mistakes.
And
vulnerable like some other girl...

I'm sorry, Tay...

This is me:
perfectly imperfect.

--u n f i n I s h e d---

(to be continued...)





Friday, October 25, 2013

Bakit walang kulay black and white sa Bahaghari






CHAPTER 1


“PINK SHADOW”

        Kinamumuhian ko ang kulay pink. Sino ba naman ang magkakagusto sa ganung klaseng kulay. Maputla. Mapusyaw. Kaiba. Mahina. Weirdo. Simbolo ng pagiging sobrang feminista.
 Makakita lang ako ng pink dati eh halos masuka na ako. Lagi akong kontra sa pink. Ano pa-girl? Pa-virgin effect? Halos kilabutan ako sa kulay na yun. Hindi kagaya ng paborito kong kulay na red. Sobrang tapang, malakas ang dating at makapangyarihan. Iyon ang kulay na gusto ko. Ang nagsisimbolo sa katauhan ko. Yung tipong kulay na hindi basta basta natitinag. Yung walang soft side.
Naalala ko nung nasa second year high school ako . Sobrang makulay ang buhay ko. Simple ang pamumuhay namin. Sabihin na nating mahirap kami. Tatlong beses kumain sa isang araw ay sapat na. Ang nanay ko nag eekstra lang sa paglalaba. Ang tatay ko minsan karpintero, panday, magsasaka, albularyo, manghihilot o kahit anong trabahong alam niya ay  pinapasok niya. Wala na akong mahihiling pa basta ang alam ko kami ang pinakamasayang pamilya.

          Tandang-tanda ko pa. Pauwi ako noon galing sa school. May dala akong pasalubong na tinapay kay Tatay. Katatapos lang naming magsimba. Naging choir kasi kami sa simbahan. Nagdasal ako ng taimtim ng araw na yun. Hiniling ko sa Diyos na sana bigyan pa niya ng mahabang buhay ang mga magulang ko para matagal ko pa silang makakasama. Para makita nila ang pagpupursige ko sa pagtupad ng aking pangarap. Wala akong ibang inspirasyon sa buhay kundi sila lang.

          Pagdating ko sa bahay binigay ko agad ang pasalubong kong tinapay kay Tatay. Nagtaka ako kung bakit hindi niya yun kinain agad. Nung gabi ring yun ay nauna akong natulog kesa sa kanila. Sa sobrang himbing ng tulog ko ay bigla akong nagising. Isang nakakabahalang boses ni Nanay. Napabalikwas ako ng bangon habang naririnig ko ang malakas na ungol ni Tatay. Hindi ko na maexplain ang garalgal na boses ni Nanay habang ginigising nya si Tatay. Bigla na rin akong hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Nakita ko ang unan ni Tatay, punong-puno iyon ng dugo. Sobrang sakit ng nararamdaman ko noon. Halong pangamba, pag-aalala, takot at lungkot ang naramdaman ko. Halos gumuho ang buhay ko.

        Sobrang sakit. Walang kasing sakit nung iniwan kami ni Tatay. Yun ang kauna-unahang heartbreak ko. 



       “BLACK AND WHITE”


                                Wala na akong kilalang ibang kulay bukod sa black at white. Simula nung nawala si Tatay, itinago ko na at kinalimutan ang kulay red. Kinasusuklaman ko na ang kulay na yun. Ni sumagi sa balat ko ay nasasaktan ako. Kapag nakakakita ako ay sobrang sakit sa aking mga mata. Napapaluha ako. Simula nun, tinanggal ko na sa color wheel ang kulay red. Buong buhay ko ay tila naging black at white lang lahat.
          Halos nawala na ang masayahing ako. Lahat ng pangarap ko ay biglang naglaho sa isang iglap. Ang pagiging writer ko ay napasawalang kwenta. Hindi na mababasa pa ni Tatay ang bawat akda ko. Wala na rin akong lakas pa para tumakbo. Kumalas na ako sa running team. Pati sa softball, wala na akong lakas pa para humataw ng bat at tumakbo. Pati sa classroom- ang bawat exams ko ay tipong black and white na rin. Buong silid. Mula sa white board at mga upuan. Kurtina at mga decorations sa loob ng room. Nako color blind ako. Ang tingin ko sa red ay itim.
          Grumaduate ako sa high school na masama ang loob. Commencement exercise na noon at awarding. Lahat ng mga magulang ng classmates ko andun na lahat. Medals nila na sagot ng sponsor ay nakaready na. Samantalang ako nagkandahaba haba ang leeg ko sa pag-asang dumating si Nanay. Wala akong nakikitang pag-asa habang papalapit ang awarding ceremony.
          Naiiyak ako habang naaalala ang pangarap ko noon. Sabi ko kay Tatay noon: “Tay, pag grumaduate ako ng high school, gusto ko ikaw ang aakyat sa stage. Ikaw ang sasabit ng medal ko ha?”. Agad naman pumayag si Tatay noon kaya lalo ako nagpursige sa pag-aaral. Kasi alam ko sobrang proud niya sa bunso nya. Alam ko na sa tuwing may sinusulat ako sa dyaryo ng school namin ay pinagmamalaki niya yun sa mga kaibigan niya.
          Hindi ko makalimutan noong unang pagkakataong narelease ang first issue namin ng school paper. Nagkakape siya noon at gusto ko siyang sorpresahin. Binigyan ko siya ng school paper namin. Ang hindi niya alam, isa ako sa mga staff writer nun. Hinayaan ko siyang mabasa niya ang sinulat ko. Palihim ko siyang sinulpayan. Doon ko nakita ang super proud niyang pakiramdam at masaya niyang mukha. Tinawag niya ang kuya ko at ipinabasa niya ang sinulat ko. Bawat taong pumasok sa bahay namin ay pinapabasa niya ng school paper. Tsaka nya babanggitin na: “Writer ang anak ko dyan.”
          Pumatak na ang luha ko. Aakyat ako sa stage na wala siya. Hindi na niya nabasa pa ang bawat tulang sinulat ko at bawat akdang napanalunan ko. Hindi na niya nakita ang bawat medalyang maiuuwi ko. Tinawag na ako ng adviser namin. Hinahanap na ang magulang ko. Sabi ko wala pa. At kapag walang dumating, siya na lang ang proxy. Pumayag naman siya.
          Halos maiyak na ako sa nararamdaman ko nun. Pero hindi ako nagpahalata. Malapit na akong tawagin pero wala pa rin ni isa sa pamilya ko ang dumating. Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako kapag nakikita ko ang mga classmates ko, kumpleto ang pamilya nila nung araw na yun. Andun ang mga magulang nilang sobrang supportive sa kanila. Ako ni isa man lang, wala.
          Nung tinatawag na ako para umakyat sa stage, tsaka ko nakita ang Kuya ko na nagmamadali. Siya na ang nagproxy kay Nanay. Naging hindi yun memorable para sakin. Umakyat lang kami sa stage. Sinabitan ng medal. Ngumiti kahit hindi Masaya. Nagpapicture. Yun lang para matapos na. Pag-uwi ko ng bahay, kung ang mga kaklase ko ay pinaghandaan ng mga pamilya nila, sakin walang nangyari. Pang aasar pa ng Kuya ko ang natanggap ko. Pinaalala nila na hindi man lang si Tatay ang nagsabit sa akin ng medal. At kahit paborito akong anak ni Tatay, ni minsan hindi siya umakyat sakin sa stage. Bigla na tumulo ang luha ko at hinagis ko ang medal sa sama ng loob.



“GREEN-MINDED”

          Mabilis na lumipas ang panahon. Andami na ring nangyari sa buhay ko simula nung high school. Sobrang haba pa pag kinuwento ko pa. To make the story short, after 7 years doon ko sinimulang mahalin ang kulay green.Hindi ko naman inakala noong una na sobrang mamahalin ko ang kulay green. Hindi naman kasi talaga ako green-minded na tao.
          Hindi ko lang makalimutan ang unang pagkakataong nakita ko siya. Napatingin ako sa kanya sa kulay green niyang jacket. Tiningnan ko ang panloob niyang damit at naka T-shirt siya na kulay green. Napatingin ako sa paa niya at nakita ko ang tsinelas niyang green. Pati ang kulay ng bag niya ay green. Nung uso pa ang Friendster nun pati profile niya ay kulay green. Nagtataka nga ako kung bakit ang bawat buga niya ng usok ay hindi kulay green.
          Suplado siya at tahimik. Bihira magsalita. Samantalang ako naman ay maingay at masayahin. Hindi niya ako pinapansin nung panahon na yun kaya hindi ko rin siya pinapansin. Kapag hindi niya ako kinausap ay hindi ko rin siya kakausapin. Parehas kaming working student. Pero magkaiba ang mundo namin. Mayaman sila at mahirap kami. Nag-aaral siya sa private school, ako sa public lang. Nagpatuloy ako sa pag-aaral ko at siya naman ay tumigil. Dancer siya sa school nila, writer naman ako. Mahilig siya sa party, konyo type samantalang ako manang na jologs. Hindi ko inaasahan na paggising ko isang araw ay magkaibigan na kami.
Hindi lang simpleng kaibigan kundi naging super close.
          Magkaofficemate kami sa isang green-minded na trabaho. Pang-umaga ang shift ko habang siya naman ay panggabi. 5am hanggang 2pm ang pasok ko habang siya naman ay 3pm hanggang 12mn. Pero nagpapang abot kami ng shift dahil nageextend siya ng oras. Hinihintay nya kami hanggang uwian. Madalas almost 24 hours na siya sa office. Halos dun na siya natutulog. Spoiled brat kasi at puro parties ang alam. Happy-go-lucky na hindi mo alam kung bakit rebelde sa mundo. Akala mo kung sinong astig.
          Naalala ko pa nun ang sabi niya sakin ay 21 years old na siya. Huli ko na nalaman na 18 years old pa lang pala siya noon. Tinatawag niya akong “Ate” nung una. Pero nung katagalan wala na. First name basis na lang. Nagising na lang kami isang araw na sobrang close na sa isa’t isa. Naging magbestfriend kami.
          Hindi ko siya makalimutan sa lahat ng kaibigan ko. Siya ang naging supporter ko: sa financial na usapin, sa emotional, psychological,physical at mental. Sa lahat ng panahon andyan siya. Ni hindi ko naramdaman na iniwan niya ako sa ere. Yung mga panahong nagsara ang kumpanya ay hindi siya nakalimot. Nung mga panahong namatay ang Nanay ko siya ang unang taong gustong damayan ako.
          Isa din yun sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko ang pagkawala ni Nanay. Nagbakasyon kami nun sa probinsya after 6 years kong pananatili dito sa Maynila. Yun ang unang uwi ko samin pagkatapos kong grumaduate ng high school. Hindi ko inakalang yun din pala ang una’t huling pagkakataong makita at makasama ko si Nanay pagkatapos ng ilang taon kong pagkawala.
          Isang buwan ang nakalipas pagkagaling namin sa probinsya. Nagtext ang mga Kuya ko na nagkasakit si Nanay. Syempre lahat ginawa naming para mabuhay siya.Dinala naming sa isang private hospital. Dun mismo sa pinaka bayan. Bumalik na naman sa puso ko ang takot at pangamba. Mahirap sa case ko kasi nag-aaral ako at nagtatrabaho. At pinakamasakit na part yung tipong hindi ko man lang maalagaan ang sarili kong Nanay. Kagaya ng sabi ko noon sa kanya: “Nay, ‘pag matanda na kayo, hayaan mong ako naman ang mag-alaga sa inyo…”
          Hindi ko makakalimutan kung paano ako naging hysterical sa buong buhay ko. Tinawagan ako ng Nanay Nanayan ko na ihanda ko ang aking sarili kasi anytime mawawala na si Nanay. Yun daw ang sabi ng Doctor. Syempre hindi pa ako handa noon. Sobra akong nasaktan. Bigla ako umiyak ng malakas habang sinasabi ko: “Ayoko pa…Hindi pa ako handa…Ayaw ko muna…Ayoko…” Halos nahirapan ang ate ko sakin na awatin ako. Iyak ako ng iyak. Hindi ko matanggap. Kumbaga kaya ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko ng college dahil gusto ko sorpresahin si Nanay. Gusto ko siyang bigyan ng honor na isa man lang sa siyam niyang anak nakapag graduate ni college at pinakitang hindi hadlang ang kahirapan sa pagtupad ng pangarap.
          


- to be continued...

Tuesday, October 22, 2013

Beautiful Liar





“I’m the happiest girl in the world!”



It was not a positive statement. It was a beautiful lie.


I wish I was brave enough to admit that I’m totally broken. I wish I was too strong enough to handle this kind of crazy pain. It’s silently and slowly kills me. I don’t know how I can convince myself that everything will be okay in the end, because if it’s not okay, it’s not yet the end.

Trying to forget someone you love the most is like trying to remember someone you’ve never met.

It was really heart-wrenching!

I just realized that everything seems so dark. I can’t see any colors or can’t even appreciate the color of the rainbow. Everything falls into pieces in a wrong way. My heart seems to never stop on bleeding and my mind never stops on thinking of you. The world seems to be a boring, dark and empty place when you’re gone…

It hurts.




---To be continued---

Sunday, October 20, 2013

Sapantaha







Lahat ng bagay sa mundong ito ay walang kasiguraduhan. Mas marami ang disappointments kesa sa achievements. Ganun ang buhay eh. Parang mermix lang. Hindi sa lahat ng pagkakataon- makulay. Hindi sa lahat ng pagkakataon, rainbow-colored ang paligid. Minsan, mas lumulutang ang kulay black and white o kaya grey. Minsan, kusang nagtatago ang kulay pula, berde, asul at pink. Ganun talaga eh. May mga bagay kang hindi pwedeng baguhin at may mga pangyayaring hindi pwedeng pigilin.



Kagaya nga ng sabi ni Forrest Gump, ang buhay daw parang box ng tsokolate. Hindi mo alam kung ano ang makukuha mo o mapupunta sa’ yo. May pagkakataong tama siya. Pero pwede rin naman na ang buhay parang tsokolate. Minsan kelangan ng pait para masarap kapag nagblend sa matamis. Minsan, may choice kang pumili kung saan ka mag-e-endulge: sa dark o sa white. Anupaman ang choices mo, alam mong sa huli ikaw din naman ang makakalasa nito.


May mga pagkakataong ang pagtingin mo sa buhay ay parang isang bote ng alak. Kapag matino ka pa, ang paningin mo dun ay puno pa. Half-full kumbaga. Pero minsan napapaisip ka ng negatib. Minsan naman kapag may tama ka na, ang paningin mo biglang naging half-empty. Tipong kelangan mo pa ng another shots. At sa bawat pagbabago ng pananaw mo sa buhay, alam mo sa huli na nasa sa’yo pa rin naman ang desisyon kung ano ang gusto mong mangyari. Kung saan ka sasaya doon ka. Nasa sayo yan. Choice mo kung gusto mong maging masaya o gusto mo na lang malungkot panghabang-buhay.

Ang buhay nga minsan ay parang isang napakahabang high-way. May daang liko-liko. May tuwid. May sementado at merong hindi. Marami kang makakasalubong. May ibang hihinto at babatiin ka lang. Sabay aalis din na parang wala lang nangyari. May ibang titigil at ayaw ka ng iwanan. At ang iba naman, nagiging bahagi at parte pa ng byahe mo pero sa isang iglap, iniwan ka na at bumiglang liko. Yung iba, masaya lang sa umpisa pero sa kalagitnaan ng byahe, bigla na ring susuko. At kung sino pa ang taong hindi nangakong sasabayan ka sa byahe, hindi mo man nakasama sa bawat pagsemplang mo, magkikita din pala kayo ulit sa dulo. Yun ang buhay eh. Madalas overdrive.

Minsan naman sinasabi ng iba na ang buhay parang isang laro. Kung sino ang magaling yun ang mananalo. Sa lahat ng laro sa mundo, ang tanging paborito ko ay ang basketball game. Pero hindi ito applicable sa buhay para sakin. Ito ang larong nakakatuliro. Hindi pwedeng erecommend bilang basehan sa buhay. Ang buhay hindi paramihan ng 3 points. Hindi rin yun paramihan ng ”free throw”. Hindi rin pagalingan sa pagrebound at higit sa lahat hindi paramihan ng defensive o offensive fouls. Nakakasakit ka na eh, bakit kelangang pagpatuloy mo pa para manalo sa game. Tipong sa tuwing nakaka-score ka na masaya ka na at kapag nagsawa ka na, the Game is Over. Hindi kelangang ipagmalaki ang pagiging MVP at trophy. Ang importante dun natuto kang tumanggap ng pagkatalo at handang maglaro ng isang malinis na game. Walang dayaan. Walang biased. Walang halong pulitika.




Sa tuwing nakakakita ka ng mga kulisap at paru-paro,  parang ganun ang buhay. Hindi permanente. Sa bawat hello asahan mo ng may nakaambang na Goodbye. Ganun talaga siya eh. Wala ka ng magagawa pa, kung meron man- kelangan maging matibay na lamang ang mga pakpak mo sa paglipad para malampasan ang ulan. Ang importante dun, hindi ka naduwag lumipad at hindi ka natakot masaktan. Sa bandang huli, alam mo sa sarili mo na nagawa mo ang part mo.


Ganun talaga ang buhay eh. Parang roller coaster lang, bigla kang aangat at bigla na lang bababa. Yung tipong nakarating ka sa cloud 9 sa sobrang saya at bigla na lang tipong dinudukot na ang puso mo sa lungkot. Nasa sa’yo pa rin kung sisigaw ka na lang ng malakas o eenjoy mo na lang ang bawat sandali ng pagsakay mo.







 

Pero madalas nga lang parang nananadya ang tadhana. Sa sobrang daming nangyari sa buhay mo, gugustuhin mo na lang na mag-”free fall”...